Cainta Rizal Government, nakapagtala na ng mahigit 60 kaso ng positibo sa COVID-19 at umakyat na sa 8 ang naitalang patay

Inihayag ni Cainta Rizal Mayor Kit Nieto na nadagdagan ng mahigit 20 ang bilnag nga mga nagpositibo ng COVID-19 sa Cainta Rizal.

Ayon kay Mayor Nieto, umakyat na sa 64 kaso ng nagpositibo sa COVID-19 kabilang diyan ang Barangay San Isidro na nakapagtala ng 21 kaso ng COVID-19, habang ang  Barangay San Domingo ay 15 kaso ng COVID-19, sa Barangay San Andres 13 ang kaso, San Juan 13 na kaso at Barangay Sa  Roque at Sta. Rosa ay nakapagtala  ng tig iisang kaso ng COVID-19.

Nalulungkot ang alkalde dahil nadagdagan ng 2 kung dati ay anim lamang ang namatay sa COVID-19 ngayon ay 8 na ang naitalang nasawi  sa kanyang mga nasasakupan habang 8 na  ang nakarekober,236 na ang suspected cases o  PUI, at 35 na  ang naka home quarantine na dati ay nasa 80.


Paliwanag ni Mayor Nieto, malaki ang ginagawang paghihigpit ng Lokal na Pamahalaan ng Cainta Rizal upang hindi na madagdagan pa ang mga bilang ng mga nasawi at nagpositibo.

Giit ng alkalde, hihigpitan niya ang pagbabantay sa Barangay San Isidro dahil umaabot na sa 21 na dati ay 16 lamang ang tinamaan ng COVID-19.

Facebook Comments