Pagre-repack ng relief goods, ipinauubaya na ng Pasay City sa mga barangay matapos magpositibo sa COVID ang tatlong volunteers

Ipinauubaya na ng Pasay City Government ang pagrerepack sa mga relief goods na ipamamahagi sa 201 barangay sa lungsod.

Ito ay matapos na tatlo sa mga volunteers sa pag-repack sa Pasay West High School ang nagpositibo sa COVID-19.

Kaugnay nito, isinara ang repacking area ng Pasay at ipinauubaya na sa mga barangay officials ang pagrerepack sa mga donasyon.


Sa ngayon, nagpapatuloy ang 2nd wave ng pamamahagi ng relief goods sa ilang barangay sa lungsod.

Facebook Comments