Inihayag ni Cainta, Rizal Mayor Mayor Johnielle Keith “Kit” Nieto na siya ay nabakunahan ng Sinovac sa One Cainta Arena sa Barangay San Juan.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Mayor Nieto na nalulungkot siya sa pagkasawi ng kanyang Konsehal dahil sa COVID-19.
Paliwanag ng alkalde, maging ang mga kapitbahay ni Councilor Wilfredo “Boy” Sulit, dating Chairman ng Barangay Santo Domingo, nasawi kahapon ng umaga matapos na nakikipaglaban sa COVID-19 ng ilang araw sa pagamutan.
Dagdag pa ni Mayor Nieto na mamamahagi siya ng sustento ng pagkain sa mga pasyente ng COVID-19 kung saan sasagutin din ng alkalde ang mga nagpositibo para sa antigen testing dahil ito’y kinakailangan para ma-quarantine hanggang makakuha sila ng RT-PCR confirmatory tests, kaya ang kanyang team ay kumuha umano ng supply ng pagkain para sa kanila.
Nababahala na rin ang alkalde sa pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 kung saan kabuuang 3,408 ang kaso ng COVID-19 kabilang ang 295 active cases, 3,012 naman ang mga gumaling o nakarekober at 101 ang nasawi dahil sa COVID-19.