Dating Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, positibo sa COVID-19

38

Positibo sa COVID-19 ang dating Speaker at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

Ito ang kinumpirma ng anak ng kongresista na si Finance Assistant Secretary Paola Alvarez.


Aniya, positibo ang kanyang ama sa sakit pero hindi naman seryoso ang kondisyon ng kalusugan.

Ang kanyang ama ay kasalukuyang nasa kanilang bahay sa Davao del Norte at nagpapagaling.

Itinanggi rin ni Paola na naka-intubate ang mambabatas at hindi rin iniluwas sa Maynila ang kongresista taliwas sa mga kumalat na impormasyon.

Nagpapasalamat naman si Asec. Alvarez sa lahat ng nag-alala at nagdasal para sa kanyang ama.



Facebook Comments