Calabarzon, nangunguna sa mga rehiyon na may pinakamataas na kaso ng COVID-19

Nananatiling nangunguna ang Calabarzon sa mga rehiyon sa bansa na may pinakamataas na bagong kaso ng COVID-19.

Sa datos ng Department of Health (DOH), ang Calabarzon ay nakapagtala ng 1,242 bagong kaso ng COVID-19.

Mas mataas ito kaysa sa National Capital Region (NCR) na may 1,189 new COVID-19 cases.


Pumangatlo naman ang Central Luzon na may 813 na bagong kaso.

Ang Cavite at Rizal na kapwa nasa Calabarzon ay kabilang sa NCR Plus 8 na prayoridad ng DOH sa vaccination program.

Facebook Comments