Pangulong Duterte, pag-iisipan pa kung sasabak muli sa 2022 elections

Masusing pag-iisipan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung tatakbo ito sa pagka-bise presidente sa May 2022 national elections.

Ang pahayag ng pangulo ay makaraang maglabas ng resolusyon ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na kumukumbinsi sa pangulo na tumakbo sa vice presidential post sa susunod na halalan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, dahil na-nominate ang pangulo ay kailangan niya itong pag-isipang maigi.


Pero sa kabilang banda, sinabi ng pangulo na nakapagsilbi na siya sa bayan ng 6 na taon.

Sa huli, iginiit ng pangulo na pag-iisipan nito kung ano ang pinakamabuti o pinakamainam para sa bayan.

Facebook Comments