Nagpapatuloy ang pagbabantay ng CALABARZON Police sa mga lugar na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal.
Ayon sa CALABARZON Police, naka-full alert sila sa sitwasyon at naka-monitor sa aktibidad ng bulkan.
Sa ngayon, nagpakalat na sila ng mga tauhan para magbantay ng seguridad at kaayusan.
Mayroon din silang “anti-looting team” na regular na magpapatrolya sa mga iniwang bahay at ari-arian ng mga nagsilikas.
Kasama sa tinutukan ng CALABARZON Police ang mga bayan ng Agoncillo, Laurel, Balete, Talisay at Cuenca.
Samantala, tumutulong din sila sa mga indibidwal na lumilikas kung saan batay sa tala ng Philippine National Police (PNP) at mahigit 4,000 na ang kanilang nabigyan ng tulong.
Facebook Comments