Pangulong Duterte, ipagdiriwang ang ika-77 kaarawan sa Davao

Kaisa ng mga Pilipino ang MalacaƱang sa pagbati kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kaniyang ika-77 kaarawan ngayong araw, Marso 28, 2022.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar, ipagdiriwang ng pangulo ang kaniyang kaarawan sa Davao City kasama ang kanyang pamilya.

Sinabi ng kalihim na ang birthday wish ng pangulo ay magkaroon ng malinis, patas at tapat na eleksyon sa Mayo.


Kaugnay nito, muli rin aniyang binigyang diin ng pangulo ang kahalagahan ng mapayapang pag-turn over sa pagkapangulo bilang bahagi ng legasiya ng administrasyon.

Nagpasalamat naman ang kalihim sa pangulo sa pagka-karoon nito ng matatag, decisive leadership at compassion para sa mga Pilipino.

Facebook Comments