Binuksan na ng Social Security System (SSS) ang Calamity Loan Assistance Program (CLAP) nito para tumulong sa kanilang mga miyembro sa aspetong pinansiyal bunsod ng epekto ng COVID-19.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Aurora Ignacio, sinimulan na ang programa nitong June 15 at nakatakdang magtapos sa September 14, 2020.
Ang mga kwalipikadong miyembro ay pwedeng mangutang ng hanggang 20,000 pesos depende sa kanilang kabuuang buwanang sahod sa nakalipas na isang taon.
Facebook Comments