Calapan City Police Station sa Oriental Mindoro, naka-lockdown matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang pulis

Nagpatupad ng temporary lockdown sa Calapan City Police Station matapos na magpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang limang pulis, isang non-uniformed personnel at isang inmate.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) MIMAROPA Spokesperson Lt. Col. Imelda Tolentino.

Aniya, epektibo kahapon ang ipinatupad na temporary lockdown sa Calapan City Police Station.


Sa ngayon, naka-quarantine na ang 72 mga tauhan ng Calapan Police matapos ma-expose sa mga positibo sa COVID-19.

Pansamantala namang nagbabantay sa Calapan Police Station ang mga tauhan mula sa Provincial Mobile Forces.

Facebook Comments