Walang tinamong malalang pinsala ang Calatagan, Batangas matapos ang magnitude 6.6 na lindol, alas-4:48 kaninang madaling araw.
Ayon kay Calatagan Mayor Peter Oliver Palacio, agad na kumilos ang barangay disaster response teams matapos ang pagyanig para magmonitor at i-assess ang pinsala ng lindol.
Aniya, ang nasabing lindol ay mas malakas kaysa magnitude 6.3 temblor na tumama sa Calatagan noong araw ng Pasko ng 2020.
Tiniyak naman ni Batangas Vice Governor Mark Leviste na patuloy na naka-alerto ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMC) at iba pang ahensya ng gobyerno para sa posibleng epekto ng lindol.
Maliban dito, binabantayan din aniya epekto nito sa Bulkang Taal.
Una nang inulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang magnitude 6.7 na lindol na tumama sa Calatagan pero ibinaba ito sa magnitude 6.6.
Sinundan ito ng magnitude 5.5 na lindol ng alas-4:57 ng madaling araw.
Naramdaman din ang nasabing mga pagyanig sa Metro Manila at sa Bulacan.