Niyanig ng Magnitude 5.8 na lindol bandang alas-11:08 kagabi ang Calatagan Batangas.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 113 kilometro.
Kaugnay niyan, naramdaman din ang pagyanig sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan.
Intensity IV naman ang naramdaman sa Puerto Galera at Oriental Mindoro, habang Intensity III sa; Pasig City, Quezon City at Obando, Bulacan.
Dagdag pa ng PHIVOLCS, ito ay isa sa aftershock ng Magnitude 6.6 na lindol na tumama noong Hulyo 24 sa kaparehong bayan sa Batangas.
Facebook Comments