Calatagan, Batangas, niyanig ng 5.2 magnitude na lindol

Niyanig ng 5.2 magnitude na lindol ang Calatagan, Batangas kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), tumama ito bandang 2:14 kaninang madaling araw na may lalim na 131 kilometro na nasa layong 19 kilometers mula sa kanlurang bayan ng Calatagan.

Naramdaman ng mga residente ang lindol na may intensity 2 sa naturang bayan.


Wala namang naiulat na pinsala o inaasahang aftershock ayon sa PHIVOLCS.

Facebook Comments