Higit 100 bags ng Dugo, Nalikom sa Bloodletting Activity ng PRO2

Cauayan City, Isabela-Umabot sa 104 bags ng dugo ang nalikom ng Police Regional Office 2 na pinangunahan ng Community Affairs Development Division 2 sa Regional Training Center (RTC) 2, Minante 1,Cauayan City, Isabela, kahapon, Oktubre 7.

Mismong ang mga health worker ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang nangolekta ng bags ng dugo sa mga trainee ng RTC.

Kada 3 buwan isinasagawa ang naturang aktibidad kung saan ang mga dugo ay maiipon sa CVMC blood bank at maaaring gamitin ng mga kapulisan at kanilang dependents na mangangailangan.


Hinimok naman ang iba pang mga kapulisan na ugaliin ang pagdo-donate ng dugo dahil malaking tulong ito sa mga higit na nangangailangan at nagbibigay ng magandang dulot sa kalusugan.

Facebook Comments