CALIFORNIA SHOOTING INCIDENT | DFA, patuloy pang inaalam kung may nadamay na Pinoy

Manila Philippines – Inaalam na ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung may nadamay na pinoy sa shooting incident sa Long Beach, California, Biyernes ng hapon sa Amerika, Sabado ng umaga sa Pilipinas.

Ayon kay Long Beach City Councilman Al Austin, isang dating empleyado ng isa sa mga tanggapan sa lugar ang bigla na lang nabaril sa Long Beach Boulevard at San Antonio Drive sa komunidad ng Bixby Knolls.

Naganap ang pamamaril ng nag-iisang gunman sa loob ng isang gusali ng isang law office.


Base sa inisyal na ulat mula sa Long Beach police, dalawa ang patay sa nasabing insidente kabilang ang suspek.

Facebook Comments