Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang rekomendasyong iprayoridad sa pagbabakuna ang mga atleta, coach at iba pang delegado sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games.
Sa IATF Resolution no. 116 pinapayagan na rin ang mga kalahok sa kompetisyon na magsagawa ng kanilang bubble training alinsunod na rin sa mga panuntunang ilalabas ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusement Board (GAB) at ng Department of Health (DOH).
Nabatid na ang Tokyo Olympics ay idaraos sa darating na Aug. 8, 2021 habang ang Southeast Asian Games naman ay sa Nobyembre.
Samantala, kabilang na sa A4 priority group na mababakunahan ang mga empleyado ng business process outsourcing industry maging ang mga frontline employee ng Commission on Elections.
Bahagi naman ng A4.2 ang mga LPG dealers, retailers, & attendants.
Nabatid na pasisimulan na ang pagbabakuna sa A4 priority group na tinaguriang economic drivers maging ang nasa A5 category o ‘yung low-income families/ mga mahihirap.