Ikatlong linggo ng Marso ng bawat taon, idineklara bilang frontliners week sa Bayan ng Cainta, Rizal

Idineklara ng bayan ng Cainta, Rizal ang ikatlong buwan ng Marso bilang Frontliner Month bilang pagkilala sa mahalagang papel at pagpapamalas ng kabayanihan ng mga frontliner sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa inaprubahang ordinansa na inakda ni Konsehal Edwin F. Cruz, bibigyan ng pagkilala dahil sa kabayanihan at sakripisyo ang ipinamalas ng mga frontliner.

Naniniwala si Cruz na ang mga frontliner ay mayroong napakamahalagang papel na ginagampanan mula pa noong kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil COVID-19.


Nakasaad sa ordinansa ang pagkilala sa ikatlong linggo ng Marso bilang COVID-19 Frontliners Week, kung saan ay iaalay din ng bayan ng Cainta sa mga frontliner ang mga flag ceremony sa tuwing buwan ng Marso bilang pagpapahalaga sa kanilang kabayanihan.

Facebook Comments