Caloocan City government nakahanda na sa pagbabakuna bukas para sa edad 12-17 taong gulang na may comorbidity

Nakahanda na ang Pamahalaang Lungsod ng Caloocan para sa unang araw bukas ng pagbabakuna para sa edad 12-17 taong-gulang na may comorbidity o karamdaman.

Ayon sa Local Government Unit (LGU) kaninang hapon ay nagsagawa ng inspeksyon ang Caloocan Vaccination Team sa Caloocan City Medical Center (CCMC) at Caloocan City North Medical Center (CCNMC) kung saan gaganapin ang vaccination rollout.

Tanging Pfizer at Moderna vaccines lamang ang pinapayagan sa kasalukuyan na ibakuna sa nasabing age group.


Upang makapagpa-schedule ng online appointment slot para sa 12-17 taong-gulang na may comorbidity o karamdaman, maaaring magbook ng slot sa sumusunod na link:

• Caloocan City North Medical Center (CCNMC)
bit.ly/ccnmc12-17

•Caloocan City Medical Center (CCMC-South)
bit.ly/ccmcSouth12-17

Pinapaalalahan ang mga magulang o guardian na kinakailangan nakahanda at kumpleto na ang sumusunod na requirements bago magtungo sa vaccination site:

1. Medical certificate mula sa doktor ng babakunahan.
2. Dokumentong magpapatunay ng relasyon ng magulang/guardian at ng babakunahan tulad ng birth certificate.
3. Valid ID ng babakunahan at ng magulang o guardian (kinakailangan kasama ang magulang o guardian sa araw ng pagpapabakuna).

Facebook Comments