Nagpahayag ng kagalakan si Caloocan City Administrator Engr. Oliver Hernandez sa serbisyong dala ng DZXL Radyo Trabaho para sa kanilang mamamayan.
Aniya, handa silang tapatan ng anumang suporta ang mga adhikain ng Radyo Trabaho magsabi lamang sa kanilang tanggapan o sa tanggapang ng Caloocan City PESO.
Sa gitna ng masayang usapan, napadaan sa usapang legal ang kwentohan kung saan, naungkat ang pagkakaroon ng MOA sa pagitan ng Caloocan City at Radyo Trabaho. Dito ay nabanggit ni binibining Jo Yupangco na mayroon nang proposed MOA na nakasalang sa city legal department.
Masayang naghiwa-hiwalay ang dalawang grupo kung saan, bukod sa city PESO, ay dumalo din sa usapan ang mga kinatawan ng Public Information Office (PIO).
Dala ng bawat isa ang pag-asa na mas lalalim pa ang ugnayan sa pagitan ng Caloocan City LGU at DZXL 558 Radyo Trabaho.