Sinimulan na ng Caloocan City government ang contact tracing sa halos 300 katao na nag-swimming sa Gubat sa Ciudad Resort mula May 6 hanggang May 10, 2021.
Sa interview ng RMN Manila kay Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan, nagtayo na sila ng ilang booth para sa swab testing ng mga nagpunta sa nasabing resort.
Pero aminado si Malapitan na nagkakaproblema sila ngayon sa contact tracing ng 280 katao dahil ang ilan sa mga ito ay mali ang impormasyon na ibinigay.
Sa ngayon ay nakahanda na ang kasong isasampa ng Caloocan City sa may-ari ng Gubat sa Ciudad Resort, pero sinabi ni Malapitan na pinag-aaralan nilang tuluyang nang huwag kailanman payagang makapag-operate ang naturang resort dahil sa paglabag sa minimum health protocols.
Facebook Comments