Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, inamin na kulang ang kanilang lungsod ng mga kapulisan

Inamin ni Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan na kulang ang kanilang lungsod ng mga kapulisan para sa malaking populasyon nila.

Sa interview ng programang Kwentong Barbero at iba pa sa RMN Manila, sinabi ni Mayor Oca na mayroon lang silang 700 hanggang 800 na mga pulis.

Ayon kay Mayor Oca, kulang man, ay “manageable” at maganda pa rin ang pamamalakad sa peace and order sa kanilang lungsod.


Dagdag pa ng alkalde, palagi naman sila nagrerequest sa Philippine National Police (PNP) ng karagdagang kapulisan sa naturang lungsod.

Samantala, kinumpirma rin ni Mayor Oca na marami nang negosyo ang nagbukas na at pinapayagan na ang 50% to 70% capacity sa mga restaurant.

Marami na rin mga pabrika ang nagbalik operasyon na para sa kanilang mga manggagawa.

Paalala pa rin ng alkalde na patuloy sundin ang mga safety and health protocols kontra COVID-19.

Facebook Comments