Mga palengke at groceries sa Navotas City, muling isasara tuwing Lunes

47

Ipinag-utos na ng Navotas City Government ang pagsara ng mga palengke, talipapa at grocery stores tuwing Lunes.

Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, pangunahing dahilan nito ay para sa ipatutupad na general cleaning at disinfection.


Hiningi rin ng alkalde ang pakikiisa ng lahat na sumunod sa safety measures at mga ipinatutupad na patakaran laban sa COVID-19 upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Ayon sa ulat ng City Epidemiology Surveillance Unit, tumaas ang kaso sa lungsod.

February 6 nang makapagtala ng 33 active cases sa lungsod, pinakamababa ngayong 2021.

Ngunit pagkatapos nito, dire-diretso na ang pagdami ng mga nahawaan at nitong nakalipas na araw lamang naitala ang 99 na kumpirmadong kaso na pinakamataas na bilang na mga nadagdag na kaso ngayong taon.



Facebook Comments