Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan, nagpositibo sa COVID-19

Kinumpirma ng Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan na nagpositibo siya sa COVID-19.

Hinihikayat ni Malapitan ang kanyang mga nakasama nitong nakaraang araw na mag-self-quarantine at sumailalim sa swab test.

Ayon sa alkalde, may libreng RT-PCR test at makipag-ugnayan lamang sa City Health Department o sa Barangay Health Center na kung saan nakakasakop ang mga ito.


Maaari ring tumawag sa sumusunod na COVID-19 hotlines: 09668274519 o 09478834430.

Mula sa alkalde, siya kasalukuyang nasa maayos na kalagayan at tiniyak na nakatutok sa mga kaganapan sa kanilang siyudad.

Ayon pa rito, tuloy ang kaniyang pakikipag ugnayan sa iba’t ibang sangay ng gobyerno upang mapagsilbihan ang nasasakupan sa kabila ng iniindang sakit.

Facebook Comments