Inilunsad ngayong araw ang “Mobile City Hall” sa Caloocan City na layong ilapit sa barangay ang mga serbisyo.
Sa pamamagitan ng Mobile City Hall, hindi na mamomroblema ng extra na pera ang mga mahihirap na residente na may transaksyon o kukuha ng mga dokumento sa City Hall.
Malaking ginhawa ito sa mga residente lalo pa’t may banta pa ng COVID 19.
Kabilang sa mga serbisyo na ipinagkakaloob ng Mobile City Hall ay pagkuha ng mga reklamo, pagsasagawa ng medical consultation, anti-rabies vaccination, local tax assessment, job application, at registration ng mga senior citizens at solo parents.
Facebook Comments