Mga tauhan ng QCPD na idedeploy sa SONA ni PBBM, sumailalim sa RT-PCR test

39

Sumalang sa Real Time-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test ang mga tauhan ng Quezon City Police District na idi-deploy sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr.

Isinagawa ang aktibidad sa covered court ng QCPD headquarters sa Kampo Karingal.

Ayon kay QCPD District Director PBGen. Remus Medina, ito ay bahagi ng kanilang pre-development preparation.


Layon nito na matiyak na walang impkesyon ng virus ang mga pulis na ide-deploy sa Lunes.

Sakaling may magpositibo, otomatikong hindi na ide-deploy ang mga ito at ididiretso sa kanilang isolation facility sa loob ng Kampo Karingal.

Facebook Comments