Caloocan, malapit nang natapos sa pamamahagi ng ECQ cash aid

Nangunguna at malapit nang matapos sa pamamahagi ng ayuda ang lokal na pamahalaang lungsod ng Caloocan sa buong NCR.

Sa datos na inilabas ng Department of Interior and Local Government (DILG), nasa 96.93% ang accomplishment rate ng lungsod sa pamamahagi ng ECQ cash aid.

Sinusundan ito ng Quezon City (94.96%), Mandaluyong (92.51%), Navotas (90.68%), Maynila (88.39%), Pateros (87.69%) at San Juan (80.40%).


Sa ngayon ay nasa P1.295 bilyong pondo ang naipamahagi ng lokal na pamahalaan sa 388,415 pamilyang benepisyaryo nito sa lungsod.

Facebook Comments