Caloocan Mayor Oca Malapitan, lumagda na sa kasunduan para sa pagbili ng COVID-19 vaccine

Pumirma na si Mayor Oca Malapitan sa agreement o kasunduan sa pagitan ng Caloocan City Government at United Kingdom-based company na AstraZenica para sa pagbili ng Covid-19 vaccine.

Ayon kay Malapitan, hindi bababa sa 600,000 doses ang bibilhin ng lokal na pamahalaan ng Caloocan sa AstraZeneca bilang bahagi ng COVID-19 vaccination program ng lungsod.

Kaugnay nito ay tuluy-tuloy naman ang paghahanda ng Caloocan para sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19.


Sabi ni Malapitan, nakikipag-ugnayan ang Caloocan City Government sa mga pharmaceutical company upang matiyak na makakakuha agad sila ng bakuna kapag ito ay aprubado na ng Inter-Agency Task Force at ng Food and Drug Administration.

Facebook Comments