Caloocan PNP, nagtalaga ng special investigative group na hahawak sa kaso ng pagpatay sa isang assistant prosecutor

Manila, Philippines – Nagtalaga na ng special investigative group ang Caloocan City Police para pangunahan ang imbestigasyon sa pagpatay sa isang assistant prosecutor.

Ayon kay P/ Sr. Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Caloocan PNP, blangko pa sila sa motibo ng pamamaslang sa biktimang si Diosdado Azarcon, 57, ng Caloocan City Prosecutor’s Office.

Aniya, pinag-aaralan na rin nila ang mga kasong hinawakan ng biktima para malaman kung may kinalaman ito sa pamamaslang.


Bukod rito, inaalam na rin aniya kung may Closed Circuit Television Camera (CCTV) sa lugar.

Sa imbestigasyon, papasakay na sa kanyang toyota avanza ang piskal nang lapitan ng gunman at pagbabarilin sa ulo saka mabilis na tumakas.

Inilarawan naman ng mga saksi ang suspek na may taas na 5’5”, katamtaman ang katawan, maiksi ang buhok at nakasuot ng gray na t-shirt.

Nakatakas ang suspek sakay ng isang motorsiklo na minamaneho pa ng isang salarin.
DZXL558

Facebook Comments