Calvin Abueva, nanguna sa panalo ng Phoenix Super LPG kontra NLEX Road Warriors

33

Nasungkit ng Phoenix Super LPG Fuel Masters ang ika-apat nilang panalo sa PBA Philippine Cup.

Ito’y matapos nilang talunin ang NLEX Road Warriors sa score na 114-110 kung saan nanguna sa panalo ng Fuel Masters ang nagbabalik PBA na si Calvin Abueva.


Nakapagtala si Abueva ng double-double performance na may 21-points at 13-rebounds habang mayroon din siyang 7-assists.

Katuwang ni Abueva para makuha ang panalo ng Phoenix Super LPG si Matthew Wright na may 28-points kung saan sunod na makakalaban ng Fuel Masters ang Alaska Aces sa Huwebes, alas-4:00 ng hapon.

Matatandaang 16 na buwang pinatawan ng suspensyon si Abueva at nito lamang sabado nang payagan na siyang paglaruin ni PBA Commissioner Willie Marcial.

Facebook Comments