Dianne Medina, proud sa pagiging hands-on daddy ni Rodjun Cruz

53
COURTESY: DIANNE MEDINA IG

Laking pasasalamat ng aktres na si Dianne Medina dahil very hands-on ang kaniyang asawang si Rodjun Cruz sa kanilang unico hijong si Baby Joaquin.

Sobrang dedicated daw sa kaniyang daddy duties si Rodjun habang nasa proseso pa siya ng recovery mula sa caesarean section.

Mula sa pagpapalit ng diaper, pagpapa-araw tuwing umaga hanggang sa pagbabantay sa gabi ay si Daddy Rodjun daw ang mismong gumagawa.

Tiniyak naman ni Dianne na siya na mismo ang mag-aalaga sa kanilang baby sa oras na makarecover ito.

Facebook Comments