Camarines Norte governor, inireklamo ng ARTA  sa Ombudsman

 

 

Inirekomenda ng Anti-Red Tape Authority  ang pagsasampa ng kaso laban sa gubernador ng Camarines Norte.

 

Si Governor Edgardo Tallado ay inireklamo dahil sa paglabag sa Ease of Doing Business  and Efficient Government Service Act.

 

Ayon sa ARTA, hindi inaksyunan ng gubernador ang aplikasyon ng businessman na si Henry Zabala na makapag panibago ng quarry permit sa Batang Banit at Labo noong 2016 gayong kumpleto naman ito sa dokumento.


 

Ayon Kay ARTA Director General Jeremiah Belgica, nilabag ni Tallado ang section 21 ng RA 11032 nang hindi nito binigyan ng pabatid si Zaballa  kung bakit hindi aprubado ang kaniyang aplikasyon at pag-ipit sa mga aplikasyon na mabilis sanang inaksyunan.

 

 

 

Facebook Comments