Pinag-activate na ng Camarines Sur Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang Corona Emergency Operation Center bilang katugunan sa panawagan ng Department of Interior and Local Government na sugpuin ang pagpasok ng NCoV dito sa probinsiya ng Camarines Sur.
Ang bagay na ito ay may kaugnayan sa DILG Memo 2020-018 na nag-aatas sa mga provincial governors, mayors and local leaders kasama na ang nasa front liners na magsilbing information managers sa pagpapakalat ng tamang impormasyon kaugnay ng nkamamatay na NCoV,
Dagdag pa rito, maglalagay rin ng mga personnel ang PDRRMC na may dala-dalang thermal thermometer para ma-scan ang mga dumarating na pasahero sa mga public entrance kagaya ng Naga Airport sa bayan ng Pili, gayundin sa daungan ng mga barko sa Pasacao Port. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pakikipagkoordinasyon sa Philippine Ports Authority at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Tiniyak din ng PDRRMC na sapat ang kanilang supply ng face masks pero ang mga ito ay para sa consumption lamang ng mga health workers o front liners na magdu-duty sa mga district hospitals para ma-protectionan ang kanilang mga sarili.
# dwnx doble pasada
Camarines Sur/Corona Emergency Operation Center Pinag-Activate Kaugnay ng Corona Virus Watch
Facebook Comments