Cambodian Prime Minister Hun Manet, nasa Pilipinas na para sa 2 araw na state visit

Panauhing pandangal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw si Cambodian Prime Minister Samdech Moha Borvor Thipadei Hun Manet.

Nasa Pilipinas ang Punong Ministro para sa state visit nito sa bansa mula ngayong araw, February 10, hanggang bukas, February 11.

Alas-11:00 nang umaga gagawaran ng arrival honors si PM Hun Manet sa Malacañang.


Susundaan ito ng bilateral meeting kung saan talakayin ang mga kooperasyon sa transnational crimes, depensa, kalakalan, turismo, at regional at multilateral cooperation.

Sa kasalukuyan ay may 7,000 Filipino ang nananatili sa Cambodia.

Facebook Comments