
Kinatigan nina Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers at Laguna Rep. Dan Fernandez ang pagpapalawig ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa termino ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil.
Umaasa sina Barbers at Fernandez na makakatulong ito sa pagpapatuloy ng reporma sa Pambansang Pulisya at pagtiyak sa kahandaan ng PNP sa paparating na halalan sa Mayo.
Bukod kay Marbil ay kinilala din nina Barbers at Fernandez ang uri ng pamumuno nina National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Brigadier General Anthony Aberin at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Brigadier General Nicolas Torre III.
Pangunahing suportado nina Barbers at Fernandez ang pagpapatupad ni Aberin ng “AAA” policing strategy, na nagbunga ng 19.61% na pagbaba sa mga krimen gayundin ang mahigpit nitong pagdidisiplina sa pulisya, pakikipag-ugnayan sa komunidad, at pagsusulong ng pananagutan.
Mahalaga naman para kina Barbers at Fernandez ang tagumpay sa pagbuwag ng mga sindikato sa ilalim ng pamumuno ni Torre sa CIDG.
Tiwala sina Barbers at Fernandez na sa pagtutulungan nina Marbil, Aberin, at Torre, ay magpapatuloy ang pagbaba ng bilang ng mga krimen at pagtiyak ng isang mas makabago, epektibo, at community-oriented na PNP.