Camp Aguinaldo, binulabog ng pagsabog!

995

Isang pagsabog ang naganap sa loob Camp Aguinaldo sa Quezon City.

 

Ayon kay AFP Spokesperson Brig. GEN. Edgard Arevalo, alas 6:20 kaninang umaga nang nangyari ang pagsabog sa apartment unit na tinitirhan ni Staff Sergeant Larry De Guzman.


 

Sugatan sa insidente ang sundalo gayundin ang misis at isa sa mga anak nito na ngayo’y ginagamot na sa V. Luna hospital.

 

lumalabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa bago ang insidente.

 

nagsasagawa na ang malalimang imbestigasyon ang AFP at PNP-SOCO lalo’t nakitaan ng indikasyon na posibleng ang misis ng sundalo ang may kagagawan ng pagsabog.

Facebook Comments