Camp Crame visit ng Sri Lankan President, naging matagumpay

Naging matagumpay ang pagbisita ni Sri Lanka president Maithripala Sirisena sa Kampo Krame.

Ayon kay PNP spokesperson Police Chief Superintendent Benigno Durana Jr., makasaysayan ang pangyayaring ito dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na may pinuno ng ibang bansa na bumisita sa Kampo Krame.

Una nang sinabi ni Sirisena na nais niyang tularan ang istilo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilegal na droga.


Tiniyak naman ng PNP na handa silang umalalay at magbigay ng maraming impormasyon sa Sri Lanka kung paano naisakatuparan ang kampaniya kontra droga.

Facebook Comments