Manila, Philippines – Muling nagpaalala ang pamunuan ng PNP sa kanilang mga regional offices partikular sa Mindanao na mas paigtingin ang kanilang pagbabantay hindi lamang sa kanilang mga Area of Responsibility (AOR) kundi maging sa kanilang mga istasyon.
Ito ay matapos ang ginawang pag-atake ng halos isang batalyon ng BIFF sa Cafgu at BPAT detachment sa Pigkawayan, North Cotabato kahapon ng umaga.
Sa press briefing sa Camp Crame ni PNP spokesperson PCSupt. Dionardo Carlos, sinabi nito na importanteng ma review ng mga ground commanders ang Camp Defense Plan.
Ito ay upang madepensehan ng mga pulis ang nakaambang pag-atake ng mga lawless elements sa kanilang mga istasyon o kampo.
Maliban dito, kailangan din daw paigtingin pa ang intelligence gathering ng PNP upang matiyak na hindi na mauulit pa ang ginagawang pag-atake ng mga makakaliwang grupo.