Campaign for Energy, Eficiency and Conservation ng DOE at PIA Isabela, Isinagawa sa City of Ilagan!

*Cauayan City, Isabela-* Isinagawa ngayong araw sa City of Ilagan ang Advocacy Campaign for Energy, Eficiency and Conservation ng Philippine Information Agency (PIA) Isabela at ng Department of Energy (DOE) upang magbigay kaalaman hinggil sa pagtitipid ng kuryente.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Merlito Edale, ang pinuno ng PIA Isabela, mahalaga umano na malaman ng mga consumers ang praktikal na pagtitipid ng enerhiya dahil sa kakulangan na rin umano ng supply ng kuryente.

Aniya, papangunahan ni ISELCO II Chief Engr. Joel Agonoy at Ms. April Macadangdang, ang Information Officer ng ISELCO II ang pagtalakay sa mga Tips and safety sa kuryente at mga dapat at di-dapat gawin ng mga consumers upang makatipid ng kuryente.


Ayon pa kay ginoong Edale, Una ng nakapagsagawa ng naturang adbokasiya ang DOE at PIA Isabela dito sa Lungsod ng Cauayan, sa Lungsod ng Santiago at sa bayan ng Roxas.

Nakapagsagawa na rin umano sila sa Batanes, Quirino, Nueva Vizcaya, at susunod na umano ang Lalawigan ng Cagayan.

Kaugnay nito ay dinaluhan ng mga multi-sectoral at mga LGU’s ng Lungsod ng Ilagan ang nasabing programa.

Facebook Comments