Pagkadakip ng Isang Binata dahil sa Kanyang Textmate, Nilinaw ng PNP San Mariano!

*San Mariano, Isabela- *Nilinaw ni Police Chief Inspector Fedimer Quitives, hepe ng PNP San Mariano na talagang tulak ng droga ang kanilang nadakma kagabi na si Jayson Dela Cruz matapos mahulog sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng mga otoridad.

Batay kasi sa inihayag ng suspek sa RMN Cauayan News Team ay makaikipagkita lamang siya sa kanyang textmate na nagyaya na mag-jamming at gumamit ng droga at balak nitong ipahuli sa mga pulis.

Ayon naman sa hepe ng PNP San Mariano ay Newly identified umano ang suspek dahil mayroong isang concerned citizen ang nagreport sa kanilang himpilan hinggil sa pagkakasangkot ni Dela Cruz sa droga.


Napatunayan naman na ang pinaghihinalaan ay talagang tulak ng droga nang masamsaman ito ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tinutukan mismo ng DWKD RMN Cauayan.

Nakatakda namang isailalim ngayong araw sa inquest proceedings ang suspek.

Samantala, mula sa labing siyam na barangay sa bayan ng San Mariano ay mayroon ng dalawang barangay ang naideklarang Drug Cleared habang limang barangay naman ang nakaambang isusunod na idedeklarang Drug Cleared.

Facebook Comments