Babaklasin na rin ng Commission on Elections (COMELEC) ang campaign materials na ikinabit ng mga lokal na kandidato sa mga hindi awtorisadong pampublikong lugar.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, ito ay kasabay ng pagsisimula sa Biyernes ika-25 ng Marso na kampanya para sa mga lokal na kandidato.
Partikular dito ang pagtatanggal ng campaign materials ng mga kandidato sa pagka-gobernador hanggang konsehal sa mga bayan at lungsod.
Ipinaliwanag ni Commissioner Garcia na ang sakop lamang kasi ng Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema sa Oplan Baklas ay ang mga nasa pribadong lugar.
Facebook Comments