Malaki ang epekto ng Covid 19 Pandemic sa mga Events Organizers at iba pang mga indibidwal na ang kabuhayan ay through Live Events. Sa pagpapatigil ng mga mass gatherings bilang safety protocol, bahagyang nawalan ng income ang mga organizers, photographers, singers, make up artists at iba pa.
Kaya naman nitong May 17, ang grupo ng National Live Events Coalition Philippines ay nagkaroon ng social media campaign upang maghatid ng pag asa sa mga kasama nito sa industriya. Layunin din nito na mabigyang pansin ang mga nag ta trabaho sa events at ng sa ganon ay matulungan sila ng gobyerno.
Opisyal na ginawa ang campaign nitong Linggo, May 17, 2020, alas sinco ng hapon (5:00 pm.) Sa nasabing campaign, kung ikaw at nagta trabaho sa mga events, maari mong palitan ang iyong Profile Picture sa iyong Facebook account at gamitin ang kanilang official frame. Kalakip nito ang caption na nagsasabing ikaw at nakikiisa sa NLEC PH upang mabigyang pansin ng gobyerno at matulungang muling maiangat ang industriya ng mga live events.
Nakiisa rito ang Pangasinan Events Wedding Suppliers na sa kasalukuyan ay lumilikom narin ng mga donasyon na ipamimigay nila sa mga apektadong live events workers dito sa lalawigan. Nitong lunes, May 18, 2020, sa kanilang Facebook page, nagpasalamat ang Pangasinan Events sa mga nagbigay ng donasyon bilang tulong sa mga nawalan ng kabuyan dahil sa Covid 19 Pandemic.