VOLLEYBALL COMMUNITY, MAY PA-RAFFLE PARA MAKATULONG

37

Nakaisip ng magandang idea ang Volleyball community para mas mapalawak ang kanilang binuong fundraising campaign. Kung noong una ay pawang mga memorabilia lamang ng players ang binibigay gaya ng jerseys, shirts, shoes at caps, ngayon kasama na ang ilang mga artista na nag-paunlak na i-auctioned ang kanilang mga personal na gamit upang makatulong ngayong may banta ng COVID-19.


Kabilang sina Pia Wurtzbach, Dingdong Dantes, Kathryn Bernardo at Angelica Panganiban sa nag-donate ng kanilang pre-loved items gaya ng shades, dress, sapatos at marami pang iba sa fundraising drive na Volleyball Community Gives Back na ipaparaffle. Binuo ito ng volleyball players na sina Alyssa Valdez, Charo Soriano, Amy Ahomiro, Gretchen Ho, Aby Maraño at Amanda Villanueva para makalikom ng pondo para makatulong sa mga frontliners.

Facebook Comments