Campaign rally ng PDP-Laban dadaluhan ni Pangulong Duterte sa Marikina

Dadaluhan muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isa pang Campaign Rally ng kanyang Partido na Partido Demokratiko Pilipino o PDP-Laban sa Marikina City.

Inaasahang alas-4 ng hapon mamaya ay darating ang Pangulo sa naturang aktibidad upang ikampanya ang mga senatorial candidates ng kanyang partido at mga guest candidates nito.

Matatandaan na sa mga campaign rally na dinadaluhan na ni Pangulong Duterte ay hindi bababa sa isa’t kalahating oras ang kanyang talumpati kung saan ay inilalatag nito ang mga ginagawa ng kanyang administrasyon at ibinibida nito ang mga kakayahan ng kanyang mga kandidato.


Inaasahan sa nasabing aktibidad ang senatorial candidates ng PDP-Laban tulad nila Congressman Zajid Mangudadatu, Ronald Bato Dela Rosa, Senador Koko Pimentel, dating Secretary Francis Tolentino at dating Special Assistant to the President Secretary Bong Go.

Batay naman sa official schedule ni Pangulong Duterte na ipinadala sa media, ito lang ang public activity ng Pangulo pero walang impormasyon kung mayroong mga pulong ito na gagawin sa Malacanang mamayang gabi.

Facebook Comments