Pagtataas ng contribution ng SSS, ikagaganda dapat ng serbisyo ng SSS ayon sa TUCP

Dapat na mapagbuti pa ang serbisyo ng Social Security Service sa mga manggagawa ngayong  tinaasan na ang buwanang kontribusyon ng mga miyembro.

Ayon kay TUCP President Raymond Mendoza , contribution.magsilbing hamon sana ito sa SSS na mag level up sa kalidad ng kanilang serbisyo .

Gayunman, naniniwala si Mendoza na napapanahon na ang pagtataas sa kontribusyon dahil sa dagdag sa monthly pension benefits at sa implementasyon ng Expanded Maternity Leave benefits at ang unemployment insurance benefits.


Hamon ni Mendoza sa SSS , bitawan na ang naluluhong bonues sa halip ay mapag-igi pa ang  sistema nito ng pangongolekta ng koleksyon.

Sa ilalim ng  condonation program para sa  mga delinquent employers, asahan pa na mas lalago ang kita ng SSS.

Facebook Comments