Campaign season para sa 2025 elections, inaasahang magiging mapayapa –Comelec

Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na magiging maayos at mapayapa ang darating na 2025 midterm elections.

Ito ay kasunod ng pagiging generally peaceful ng nagdaang paghahain ng certificates of candidacy (COC) para sa kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections.

Sa ambush interview kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, nagiging mature na umano ang mga Pilipino lalo na’t walang naitalang untoward incident na maiuugnay sa COC filing.


Sa kabuuan, nasa 117 na aspirants ang naghain ng kanilang COC at Certificates of Acceptance of Nominations (CAN) mula November 4 hanggang nitong Sabado.

Facebook Comments