Campaign slogan ni Pangulong Duterte na “change is coming”, naisakatuparan -Palasyo

Tiwala ang Palasyo ng Malakanyang na nagawa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte (PRRD) ang mayorya ng kanyang campaign promises.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Group (PCOO) Sec. Martin Andanar, patunay nito ang unti unting pagganda ng buhay ng mga Filipino.

Sinabi pa nito na kita naman sa Duterte legacy report ng Presidential Communications Operations Office at ng lahat ng mga departamento.


Inihalimbawa din nito ang Build, Build, Build program kung saan, ilang porsiyento ang ginagastos ng ating pamahalaan sa Gross Domestic Product (GDP) na napupunta sa naturang programa na nakapagbibigay ng matiwasay na pagbhyahe sa mga motorista, maaayos na daan at iba pang imprastraktura.

Pagdating naman aniya sa number of drug-user surrenderees karamihan sa mga ito ay isinasailalim na sa drug rehabilitation habang marami ding drug lords ang nahuli at kinasuhan at winasak na mga ilegal na droga.

Ganoon din aniya pagdating sa ating poverty incidence, kung saan umaangat nang muli ang ating GDP growth sa unang quarter ng taon.

Hindi man lahat ay natupad pero kumpyansa ang Malakanyang na halos lahat ng campaign promises ng Pangulo ay naisakatuparan na siyang magandang legasiyang iiwanan ni PRRD.

Facebook Comments