Libreng sakay sa MRT-3, pinalawig hanggang June 30!

45

Good news!

Muling pinalawig ng Department of Transportation (DOTr) ang libreng sakay sa Metro Rail Translit Line 3 (MRT-3).

Ayon kay MRT-3 General Manager Mike Capati, extended ang free ride hanggang June 30, 2022 na epektibo mula alas-4:40 ng umaga hanggang sa last trip nito na alas-10:10 ng gabi.


Ito na ang pangalawang beses na pinalawig ang libreng sakay sa MRT-3 na layong makaagapay sa mga pasahero sa gitna ng walang prenong taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Una itong ipinatupad noong Marso 28 hanggang Abril 30 at pinalawig hanggang sa katapusan ngayong Mayo.

Facebook Comments