*Cauayan City, Isabela*-Tinatayang nasa mahigit 800 estudyante mula sa Reina Mercedes Vocational and Industrial School na nakilahok sa isinagawang Campus Peace Development Forum.
Ilan sa mga nagbahagi ng kanilang karanasan ay ang binansagang ‘Lola’ na dating kaanib ng makakaliwang grupo , National Economic and Development Authority katuwang ang ilan pang ahensya ng gobyerno gaya ng Tactical Operations Group 2 Philippine Air Force katuwang ang 5th Infantry Division ng Philippine Army at PNP-Reina Mercedes at LGU.
Ayon kay LTCOL. Augosto Padua, Group Commander ng TOG 2, ang nasabing aktibidad ay bahagi lamang ng mandato ni Pangulong Duterte na wakasan ang insurhensiya sa bansa.
Maliban dito, nagdaos din ngayong araw ng parehong aktibidad sa St. Ferdinand College sa Lungsod ng Ilagan na layong imulat ang mga mag aaral sa masamang epekto na dulot ng makakaliwang grupo.
Layunin din nito na mabigyan ng kaalaman ang mga estudyante sa mga hakbangin ng pamahalaan upang matiyak ang seguridad at kapayapaan ng bansa.