CamSur at 14 na probinsya, nakapagtala ng “very high” COVID-19 positivity rate – OCTA

Nakapagtala ng “very high” na COVID-19 positivity rate ang Camarines Sur at 14 pang mga lugar sa bansa noong August 6.

Ang positivity rate ay ang porsiyento ng mga nagpopositibo sa virus mula sa kabuuang bilang ng mga indibidwal na sumasailalim sa testing.

Sa datos mula sa OCTA Research Group, ang Camarines Sur ang nakapagtala ng pinakamataas na positivity rate na sumipa sa 48.7% mula sa 30.3% noong July 30.


Sinundan ito ng Isabela, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Laguna, Cagayan, La Union, Zambales, Albay, Quezon, Pangasinan, Benguet, Cavite at Rizal.

Bagama’t tumaas nananatili namang mababa ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) na nasa 17.5% mula sa 15.5% noong July 30.

Habang ang Ilocos Norte ang may pinakamababang positivity rate na nasa 9.9%.

Facebook Comments