Aprubado na ng House Committee on Suffrage ang pag-postpone ng Barangay at SK Elections mula May 14, 2018 tungo sa October 8, 2018. Ang pag-apruba ay isinagawa ng Committee ilang araw bago mag-deklara ng recess ang Mababang Kapulungan. Gayunpaman, ipinahayag ni Camarines Sur 1st District Congressman Rolando “Nonoy” Andaya, Jr., sa panayam ng DWNX ang kanyang reaction kung saan sinabi ng Kongresista na ang Postponement Bill ay aprubado pa lamang ng Committee on Suffrage ng Kongreso. Idinagdag pa niya na posibleng makakalusot ang nasabing Bill sa Plenary ng Mababang Kapulungan. Ang problema lang, ayon pa kay Andaya, ay sa Senado dahil wala pang senador na naghain ng kahalintulad na Bill. Subalit hindi nman ito malaking problema dahil maari namang magkaroon ng special sessions ang mga miembro ng Senado para atupagin ang bagay na ito at kumpirmahin ang pag-urong ng Barangay elections mula Mayo 14 tungo sa October 8 ngayong taon. Pero kung si Cong. Nonoy Andaya ang tatanungin, sinabi niyang mas mabuti pang ituloy na lang ang election sa May 14 “para matapos na ito. ” Kaugnay naman sa mga barangay officials na sinasabing may connection sa illegal na droga, sinabi ni Andaya na may 2 bagay na pwedeng gawin ang pamahalaan; una, maaring kasuhan ang mga ito ng mga pinuno ng bayan o di kaya, pangalawa, pwede silang suspendehin ng DILG. Si Andaya, incumbent Representative ng 1st District ng Camarines Sur at dating Secretary ng DBM ay una nang nagdeklara ng kanyang intensyon na tatakbo bilang governor ng Camarines Sur sa darating na 2019 elections. Tags: DWNX, Camarines Sur, Cong. Nonoy Andaya
CamSur Cong. Nonoy Andaya: Barangay Elections, Ituloy Na, Para Matapos Na!
Facebook Comments